Search this site   

            HOME

 

Handa ka na bang magtrabaho sa South Korea?

Panibagong Paglilinaw ukol sa Korean Employment Permit System (EPS)
(Agosto 2004)

Labor Quota para sa Pilipinas
 
Sang-ayon sa pinakahuling impormasyon mula sa Korean Ministry of Labor, may itinakdang 6,000 labor quota sa taong 2004 para sa Pilipinas.  Ang 3,500 nito ay para sa manufacturing sector at 2,500 para sa construction sector.
 
Bukod dito, may hiwalay na quota na 2,096 para sa mga datihang Pilipino na nagtrabaho sa bansang Korea at tumugon sa programang amnestiya na ipinatupad ng bansang Korea noong nakaraang Hulyo 2003.
 
Pagpapadala ng Listahan ng Aplikante sa Korea
 
Ang POEA na itinalagang ahensya ng gobyerno para sa EPS ay naghahanda nang isumite ang Listahan ng mga Aplikante (Roster of Jobseekers) para sa taong ito ng hindi lalampas sa Agosto 10 (deadline ng pagpapadala).
 
Mga Karagdagang Pamantayan Upang Makasali sa Listahan
 
Bibigyan ng prayoridad na mapabilang sa Listahan para sa taong ito iyong tama at kumpleto ang mga dokumento at sang-ayon sa mga bagong criteria tulad ng pasado na sa medical examination at akma ang mga kaalaman o kasanayan sa sektor na manufacturing at construction.  Mayroon ding prayoridad ang mga kwalipikadong aplikante na galing sa mga kinokonsiderang Poverty-Stricken Areas sa Pilipinas. 
 
Gayunman, muling ipinauunawa na ang pagkasama ng pangalan sa Listahan ay hindi garantiya ng pagtatrabaho sa Korea sapagkat ang employers ang siyang pipili mula sa Listahang ipinadala ng POEA sa Human Resource Development Service ng Korea (HRD Korea) sa pamamagitan ng Internet.
 
Proseso ng Pagkuha ng Medical Certificate
 
Magsadya sa pinakamalapit na medical clinic na accredited ng Department of Health para sa overseas Filipino workers.
 
Para sa blood test na gagawin, ipinaaalala na kailangang huwag kumain sa loob ng 8 oras hanggang makuhanan ng dugo kinabukasan at magdala ng stool specimen.
 
Sumailalim sa medical examination na itinatakda ng Korean Government.  Ito ay kinabibilangan ng basic pre-employment medical examination at karagdagang medical tests.
 
Magbayad ng medical examination fee sang-ayon sa itinakda ng Department of Health para sa manggagawang patungo sa Korea sa ilalim ng EPS. 
Alamin kaagad ang resulta ng medical examination mula sa clinic.  Ang mga pasado lamang sa medical ang maaring mapabilang sa Listahan.
 
Standard Medical Tests para sa Korean EPS
 
A.  Basic pre-employment medical examinations:           
Complete physical examination, including visual acuity for left and right eyes (pagsusuri ng 2 mata)
Chest x-ray using plates not smaller than 11” x 14”
Complete blood count (CBC) including hemoglobin/hematocrit determination 
Blood typing
ABO
RH
Stool examination
Psychometric evaluation
Urinalysis
Dental
 B. Additional medical examinations:
Liver Function Tests: (pagsusuri ng atay)
SGOT                                               
SGPT                                                 
Total Cholesterol                                            
VDRL                                                              
HIV/AIDS Test                                              
Hepatitis Antigen (HBs Ag)                        
Audiometry                                                     
Ishihara Color Vision Test
C. For Females: Pregnancy Test
                                                 
D. For aged 40:  ECG                                                                     
 
Haba ng Pagtatrabaho sa Korea
 
Sa EPS, maaaring makapagtrabaho ng legal sa Korea hanggang tatlong (3) taon. Ang kontrata ay kailangang i-renew bawat taon. Pagkatapos nito, kailangan munang umuwi ang manggagawa at mag-apply muli pagkatapos ng isa o mahigit na taon kung hindi pa lampas sa edad.
 
Pre-Employment Training para sa taong 2004
 
Matapos mapili ng Korean employer at pumirma ng standard labor contract, ang mga manggagawa ay kailangang makatapos ng 150-oras na pre-employment training upang mag-aral ng Korean language (80 oras) Korean culture at ukol sa EPS (20 oras) at iba bang kasanayan tulad ng industrial health and safety at special subjects ukol sa sector na kinabibilangan (50 oras). 
 
Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), itinakdang training entity para dito ang magkakaloob ng certificate of training na kailangang dalhin ng manggagawa sa Korea.
 
Korean Language Proficiency Test mula sa Agosto 17, 2005
 
Magmula sa Agosto 17, 2005, ang Korean Government ay magpapatupad ng Korean Language Proficiency Test para sa mga nagnanais mapabilang sa Listahan ng Aplikante para sa EPS.
 
Talaan ng mga Gugulin
 
Para sa Application Stage:
Pasaporte                          P500.00
NBI Clearance                     P100.00
Medical Examination                       
Basic & other tests              P1,320.00 to P1,500.00 (kung may  
                                       pregnancy test at ECG kasama)
Para sa Documentation Stage:
Pre-employment training      P5,000 (estimate pa lamang)
Para sa Deployment Stage:
1.  POEA processing fee katumbas ng US$50.00
2.  OWWA membership                     P1,275.00
3.  Visa fee                                    P2,500.00
4.  One-way airfare to Korea katumbas ng US$230
Para sa onsite expenses: (Korean Won ang tawag sa salapi ng South Korea)
 
        1.  Return Cost Guarantee Insurance - (katumbas ng one-way airfare
             pabalik sa  Pilipinas (humigit-kumulang sa Korean Won400,000)
             (Ang insurance na ito ay babayaran pagkalipas ng 80 araw ng  
             pagdating sa Korea.)
 
        2.  Non-Industrial AccidentInsurance-Korean Won 25,000 (halaga para  
             sa mga lalake na 30 anyos at  mag-iiba sanga-ayon sa edad at
             kasarian)
(Ang insurance premium ay agad babayaran ng buo sa loob ng 15 araw pagdating sa Korea sa panahon ng employment training. Dahil dito ipinapayo na dala ng manggagawa ang halagang pambayad sa insurance na ito patungong Korea.)
Iba pang Kakaltasin sa Suweldo
 
Mahalagang malaman ng manggagawa na habang nagtatrabaho na sa Korea, may iba pang kaltas o deductions sa sahod gaya ng automatic deduction para sa Mandatory Employment Insurance, National Health Insurance at National Pension ukol sa mga benepisyo na kahati sa pagbabayad ang employer, at kaukulang buwis o tax.
 
Oras ng Trabaho
 
Sang-ayon sa Korean Labor Law, may 44 oras na trabaho sa loob ng isang linggo.
 
Suweldo
 
Ang Korean employers ay kailangang bayaran ang mga manggagawa ng higit sa minimum wage na Korean Won2,840 kada oras (katumbas ng US$2.44).  Ipinapayo na upang maging kapaki-pakinabang, di dapat bumaba sa US$850 ang salary offer na tatanggapin ng manggagawa sa ilalim ng EPS.
 
Mahalagang Paunawa sa mga Manggagawang Patungo sa Korea
 
1.  Ang mga manggagawa ay kailangang sumunod sa lahat ng batas ng Korea upang makatulong na magpatuloy ang pagkuha ng bansang Korea ng mga Pilipinong manggagawa sa ilalim ng EPS at upang sila ay makaiwas sa mabigat na kaparusahan ng paglabag sa batas.
 
2.  Pagdating sa Korea, mayroon pang isang medical examination na walang bayad na gagawin habang ang manggagawa ay kumukuha ng employment training sa itinakdang training institute sa ilalim ng HRD Korea.  Ang training na ito sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi (3 days/2 nights) ay walang bayad.  Ang hindi makakapasa sa medical examination sa Korea ay tiyak na pababalikin sa Pilipinas.

BACK TO  TOP 


Copyright © 2000-2002.  Philippine Overseas Employment Administration. All rights reserved.
EDSA cor Ortigas Ave. Mandaluyong City
Philippines

info@poea.gov.ph
Updated: August 04, 2004