Ito
ay ang alternatibo at mabilis na paraan sa pamamagitan ng
Internet upang makapagparehistro sa POEA Manpower Registry para
sa pag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa.
Sino ang puwedeng magparehistro sa online
registration ng POEA?
Ang lahat ng mga aplikanteng nagnanais magtrabaho
sa ibang bansa na taglay ang mga sumusunod na general
qualifications :
-
hindi bababa sa 18 taong gulang
-
hindi
bababa sa high school graduate
-
dalawa (2)
o higit pang taong karanasan sa nais pasukang trabaho
-
walang
sakit o legal na balakid upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ang iba pang mga natatanging kwalipikasyon ay
nag-iiba batay sa hinihingi ng mga dayuhang employer at ng
bansang pupuntahan. Ang iba pang impormasyon ukol dito ay
makikita sa on-line registration.
Sino ang hindi puwedeng magparehistro?
Kung ang aplikante ay:
-
may sakit
na hindi tinatanggap para magtrabaho sa ibang bansa
-
may mga
derogatory at criminal records
-
may
pagbabawal na lumabas o umalis ng bansa
Ano ang mga kakailanganin upang makagamit ng
online registration system?
Ang aplikante ay nararapat na may active
personal e-mail address, user name at password
para masimulang magamit ang naturang sistema. Ang mga personal
na impormasyon gaya ng tirahan, numero ng telepono, detalye ng
pasaporte, lugar at petsa ng kapanganakan, natapos na
pinag-aralan, mga lisensya mula sa Professional Regulation
Commission (PRC) para sa mga propesyonal, katibayan ng mga
pinagtrabahuhan at mga kasanayan, bansang nais puntahan,
posisyon na gustong pasukan ay dapat din ilagay ng aplikante.
Lahat ng impormasyon na ilalagay ng aplikante sa
online registration system ay nararapat na totoo at
tama. Anumang panloloko o pagbibigay nang di tamang impormasyon
ay magiging dahilan upang maalis ang pangalan sa naturang
sistema.
Ang lahat ng dokumento, papeles o katibayan ng
mga impomasyon na inilagay sa online registration ay
dapat nasa pag-aari ng aplikante at maaring ma-verify anumang
oras na siya ay mapili ng employer.
Panatilihing aktibo ang e-mail address o numero
ng telepono kung saan maaaring tawagan ang aplikante, kung
kinakailangan.
Saan maaaring magparehistro?
Sinumang aplikante ay maaaring magrehistro
online sa pamamagitan ng internet facility at pag
log-in sa POEA website na:
www.poea.gov.ph o
diretso sa www.eregister.poea.gov.ph.
Samantala, ang mga Household Service Workers (HSWs)
ay maaaring magparehistro sa lahat ng tanggapan ng POEA at
Public Employment Service Office (PESO) na may online
registration facility.
Gaano katagal ang bisa ng application sa
online registration?
Ang online registration ay valid
o may bisa sa loob ng anim (6) na buwan. Ito ay may
automatic extension ng anim (6) na buwan mula sa huling
pagbisita ng personal profile o pag log-in sa POEA website.
Kailan dapat i-update ang profile?
Ang profile ay dapat i-update kung:
a.
may pagbabago sa contact details gaya ng tirahan, email o
telepono
b.
may mga karagdagang kasanayan o pinagtrabahuhan
c.
napili na o natanggap sa ibang trabaho.
Paano i-reactivate ang expired registration?
Lahat ng aplikante na narehistro sa lumang
sistema at muling interesado na maging active ang application sa
POEA Manpower Registry ay kailangang muling magrehistro sa
bagong online registration system.
Lahat ng nag-expire na registration ay
maaaring i-reactivate sa pamamagitan nang muling pag
log-in sa POEA website o sa tuwing pagbisita sa personal profile
tuwing ika-anim (6) na buwan.
Magkano ang gastos sa pagpaparehistro sa bagong
sistema?
Ang pagpaparehistro sa
POEA online registration system ay LIBRE.
Anu-ano ang mga kakailanganin kapag ang aplikante
ay napili ng employer?
Ang lahat ng mga napiling aplikante ay aabisuhan
sa pamamagitan ng ibinigay na e-mail address o telepono.
Kinakailangang isumite ng aplikante ang lahat ng orihinal at
magbigay ng photocopies ng mga sumusunod na dokumento
para sa verification:
-
Self-made bio-data/resume
with detailed job description
-
valid passport
-
school credentials (high school/college
diploma, transcript of records)
-
training certificates, if any
-
skills certification, if any
-
board certificate/board
rating
-
employment certificate/s (at least 2 years in
1 position)
-
authenticated birth certificate, with NSO
receipt
-
valid medical certificate
-
valid PRC card, for professionals
-
valid NBI clearance
-
OMA certificate for
Muslim applicants
-
2 x 2 colored picture (6 pcs for MOH-KSA
applicants)